Sinula

KaluluwangPayak sa Lansangan ng Luha, Ngiti’t Pasakit ako’y patuloy na naglalakbay.Sadyang kay bilis ng takbo ng panahon at marami na talagang nagbago. Ang dating mga pinapahalagahang salita’t obrang isinulat ko sa lumang papel na nirecycle sa mga notebook na bigay ng kurakot na politiko sa bayan namin ay wala ng halaga’t inanod na ng katalinhagaan ng mundong gawa ng tao. Ngayon, tulirong umaasang sa karagatang ito ay mabubuhay ang aking mga pangungusap at lalangoy ang aking mga salitang nadungisan ng alindog at kembot ng tadhana. Kaliwat kanang kamay ay may sugat at patuloy na  umaagos sa mga ito ang tintang binubuga ng aking pusong patuloy na umiibig. Hindi ko naman ninannais na mailawan ng araw o kaya ng buwan para mapansin ng mga matang nagbabantay sa sanggol ng tadhana o nang mga kamay na nagaalok ng sintemos na nanggaling din naman sa akin. Ang layon ko lamang ay madungisan ka ng tinta’t madungisan mo rin ang iba. Samahan nyo ako sa aking paglalakbay at ating lalasapin ang yaman ng lanton at tinaga nitong ating bayan.

Lansangan

Nagkalat na naman ang napakaraming hayop sa lansangan. May paiba-iba ng kulay at ang iba nama’y nagaanyong paro parong lumilipad ng paurong at pasulong sa gitna ng nagtutulakang makinaryang metal. Baboy! sigaw ng katabi ko habang pinapanood ang isang nakapostura at may hawak na mikropono sa entablado habang patuloy na nagpapalakpakan ang mga napipilitan nyang mga alipores. Nalungkot ako sa tanawin ng isang batang pinaglalaruan ang poster na puno ng imaheng kadalasang makikita tuwing eleksyun. Siguro, hanggang sa pagtanda at pagpanaw ng batang ito ay patuloy na lang syang aasa na ang mga imaheng ito ay lalabas at magpakita sa kanya upang iahon sya sa lusak na kanyang kinalalagyan. Hay…at nandiri pa ang lalaking naka puting pulo sa galis na kumakapit sa balat ng bata mula ulo hanggang paa.  Bigla ko tuloy nasabi sa aking sarili, masuwerte pa ang batang ito kaysa sa kanya at sa napakarami nating kababayang malinis ang anyo, puno naman ng galis ang buong pagkatao. Ako kaya, baka bahagi din ako ng galis na ating lipunan.  Pebrero anuwebe na pala ngayon. Napakarami ng mga oras at araw na nagdaan pero halos wala paring nagbago. Balot parin ako ng napakaraming katanungan. Sila naman na nagmamarunong ay puno ng kasagutan… Kasagutan sa mga pansarili nilang hangarin. Dati, gutso kong maging politiko kaya sinalihan ko at pinangunahan ang napakaraming lokal at nasyunal na grupo. Pero unti unti lang ako ng nadismaya at nawalan ng gana dahil sa mga masakit na tanawing aking nasaksihan. Maraming ulit din akong binayaran para sa akin boto at serbisyo. Sa kapangyarihan ko noon, libo libo na ang perang inabot sa akin ng mga kamay ng nabubulok nating lipunan. Kahit isa ay wala akong tinanggap. Hipokrito daw ako at walang utang na loob. Napapangiti lang ako sa kanila. Sana malaman at mapagtanto ng marami sa ating mga kababayan na ang bawat sentimong inaabot ng mga mapaglinlang na ulopong ng ganid at kapangyarihan, kapalit ay mahabang paghihirap ng ating mga anak, pamilya at ng mga henerasyon pang dadating. Napatigil ako sa kakaisip ng mga bagay bagay nang makatawid na ako sa sa kalsada at nasa tapat na ako ng aming opisina.  Sa malayo kasi aking natanaw ang isang batang binigyan ng pagkain ng kanyang Ina. Sa halip na kainin, pinatalikod muna si Mommy at binigay sa mga batang kalye na nakaupo malapit sa kanya. Sadyang kaysarap nyang pagmasdan. Puro ang kanyang ngiti at totoo ang kanyang hangarin. Sana ay hindi sya mabahiran ng dungis ng ating lipunan. Patuloy akong aasang maraming batang lumaking dalisay ang paniniwala sa totoo at tapat na paglilingkod sa kapwa.  Isa sya sa mga dahilan ng aking patuloy na paglilingkod ng tapat sa ating bayan. Salamat at nabigyan nya ako ng bagong pagasa.  Nang paakyat na ako papuntang elevator, bigla kong nakitang pinagalitan ng babae ang anak nya sa kanyang ginawa. Imbes na purihin sa kabayanihang ipinakita ay ipinamukha sa bata na kasalanan ang kanyang nagawa. Ngayon, hindi na ako sigurado kung patuloy na magiging mapaglingkod ang batang aking hinangaan. Nakakalungkot.

Kambas ng Lipunan by Joey Velasco

Sinula

KaluluwangPayak sa Lansangan ng Luha, Ngiti’t Pasakit ako’y patuloy na naglalakbay.Sadyang kay bilis ng takbo ng panahon at marami na talagang nagbago. Ang dating mga pinapahalagahang salita’t obrang isinulat ko sa lumang papel na nirecycle sa mga notebook na bigay ng kurakot na politiko sa bayan namin ay wala ng halaga’t inanod na ng katalinhagaan ng mundong gawa ng tao. Ngayon, tulirong umaasang sa karagatang ito ay mabubuhay ang aking mga pangungusap at lalangoy ang aking mga salitang nadungisan ng alindog at kembot ng tadhana. Kaliwat kanang kamay ay may sugat at patuloy na  umaagos sa mga ito ang tintang binubuga ng aking pusong patuloy na umiibig. Hindi ko naman ninannais na mailawan ng araw o kaya ng buwan para mapansin ng mga matang nagbabantay sa sanggol ng tadhana o nang mga kamay na nagaalok ng sintemos na nanggaling din naman sa akin. Ang layon ko lamang ay madungisan ka ng tinta’t madungisan mo rin ang iba. Samahan nyo ako sa aking paglalakbay at ating lalasapin ang yaman ng lanton at tinaga nitong ating bayan.

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 3 other followers

Blog Stats

  • 289 hits
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.